Walong Sinyales na Hindi ka na Mahal ng Partner o Asawa mo. Alamin at Basahin dito.

SPONSORED LINKS
Ang pagmamahal ay isa sa mahalagang nararamdaman ng isang tao, pagmamahal man ito sa tao, bagay o hayop. Madaling magmahal ang mahirap lang ay ang panatilihin ang pagmamahal at patibayin ito dahil marami sa atin ang mabilis sumuko o mabilis mawalan ng pagmamahal sa mga asawa nila.



Ang pagpapanatili ng kilig sa relasyon ng mag-asawa ay hindi din biro dahil may mga taong mabilis mapagod o sumuko.

Narito ang mga sinyales na nawawala na ang pagmamahal ng partner mo saiyo:

1. Ang simpleng tampuhan sa umpisa na humahantong sa mainit na pag-away.

Ang pagtatampuhan ay natural lang sa mga mag-asawa, madalas ito pa ang paraan nila para sabihin ang mga sama ng loob nila sa isat isa. Ngunit kapag ang simpleng pagtatampuhan ay napunta sa matinding pag-aaway, ito ay isang sinyales na unti unti ng nawawala ang pagmamahal nyo sa isat isa.

2. Kapag hindi ka nya sinasama sa mga pangarap nya o kaya hindi na nya nakikita ang kinabukasan nya na kasama ka. 

Ang pagpapanatili ng kilig sa relasyon ng mag-asawa ay hindi din biro dahil may mga taong mabilis mapagod o sumuko.


3. Natural lang sa mga bagong kasal ang madalas kung magtitigan dahil minsan ito ang nagpapakilig, nagpapakita na iyo lang dapat sya at nagpapasaya sa kanilang pagsasama ngunit kapag napansin mo na bihira ka na nyang titigan o tingnan at mas madalas pa syang tumingin sa ibang bagay kaysa sa iyo isa lang ang ibig sabihin nito, hindi na sya intirisado sayo.

4. Sa umpisa ng pagsasama nyong mag-asawa madalas kayong magkwentuhan, magsabi ng mga pangarap nyo at mga nangyayari sa inyo araw araw. Madalas bawat pagtatagumpay nyo ay sabik kayong ibahagi ito sa inyong mga asawa.

Ngunit kapag nararamdaman nyong wala na silang ganang magkwento o magbahagi sa inyo ng mga kung anu anu ibig sabihin lang nito ay unti unti na ding nawawala ang pagmamahal nila sa iyo. 

5. Ang unti unting pagkawala ng komunikasyon nyong mag-asawa ay isa sa sinyales na unti unti na ding nawawala ang pagmamahal nyo sa isat isa. Ang komunikasyon sa mag-asawa ay napakaimportante dahil dito nyo naibabahagi ang mga pang-araw araw nyong ginagawa, mga pangyayari sa buhay nyo at mga tagumpay nyo ngunit kapag mas gusto nyong ibinabahagi ito sa ibang tao tulad ng mga kaibigan nyo at hindi sa asawa nyo isa lang ibig sabihin nito, unti unti ng nawawala ang pagmamahal nyo sa isat isa.


Ang pagpapanatili ng kilig sa relasyon ng mag-asawa ay hindi din biro dahil may mga taong mabilis mapagod o sumuko.

6. Ang oras ay isa sa pinakamahalagang sangkap ng relasyon na dapat mayroon ang mag-asawa. Kahit mayroon na silang mga anak, dapat mayroon pa din silang oras na para sa kanilang dalawa lang. Kapag napansin mong unti unti ng nawawalan ng oras sa iyo ang iyong asawa ngunit may oras para sa mga kaibigan nya, isa itong sinyales na mas gusto nyang makasama ang ibang tao kaysa sa iyo at hindi na sya masaya na kasama ka.

7. Kapag nararamdaman mong may iba na syang nagugustuhan o may iba ka ng minamahal ay isa sa sinyales na nawawala na ang pagmamahal nyo sa isat isa at ang nagdudugtong lang nito ay ang inyong mga anak. 


8. Ang pagkawalang gana sa pakikipagtalik sa inyong asawa. Ang pagtatalik ay mahalaga sa mag-asawa kaya kapag ang isa sa inyo ay unti unting nawawalan ng gana sa pakikipagtalik, dito na naguumpisa na magkaroon ng problema sa inyong pagsasama.

Tao lang tayo nagmamahal at minamahal, nangangailangan din tayo ng atensyon mula sa ating mga minamahal ngunti kapag ito ay hindi na natin nararamdaman mula sa ating mga minamahal, pwede pa din natin itong makuha sa ibang tao tulad ng ating mga anak. 

Ang mga anak ang magsisilbing taga pangalaga o taga panatili ng pagmamahalan nyong mag-asawa kung mawala man ang pagmamahalang ito sa inyong dalawa, andyan pa din inyong mga anak para punan ang mga nawawalang bahagi ng inyong buhay.


SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments