Walong Sinyales na Gusto Makipagbalikan sayo ng Ex mo.

SPONSORED LINKS
Naranasan nyo nabang makipaghiwalay sa inyong kasintahan? Madalas kahit simpleng pag-aaway lang ng magkasintahan ay humahantong sa hiwalayan. Madali lang sabihing makikipaghiwalay ka ngunit kapag tumagal na hindi kayo naguusap o nagkikita ay doon mo na mararamdaman ang hirap lalo na kapag madami kayong bagay na nakasanayang gawin ng magkasama. 


Madalas ang masakit at mahirap tanggapin na paghihiwalay ay ang hindi maayos na pakikipaghiwalay yung hindi nyo muna pinagusapan kung ano ba ang naging dahilan bakit kailangan nyo maghiwalay. Lalo na kapag alam mong wala kang ginawang masama at mapapaisip ka nalang kung saan ka nagkulang.

Madalas sinisisi natin sa ating kasintahan ang paghihiwalay nyong dalawa, iniisip natin na baka mayroon na syang iba, hindi natin iniisip na baka may pagkukulang din tayo sa kanila. May mga paghihiwalay na nagkakabalikan din kasi parehong ang dalawang magkasintahan ay nagsisisi sa bandang huli at nakikipagbalikan sa kanilang minamahal. Alam mo ba ang sinyales o pahiwatig na gusto makipagbalikan sa iyo ng iyong minamahal?.


Narito ang mga sinyales na mahal kapa at gusto kapang balikan ng iyong minamahal:

1. Kapag ang ex mo ay nakikipag-usap pa din sya sayo o nagmemensahe pa din sa cellphone mo 

Kahit hiwalay na kayo ay isa sa sinyales na parang wala lang sa kanya ang paghihiwalay nyo na parang kayo pa din at parang simpleng pag-aaway lang ang mayroon kayo at makikipagbalikan din ito.

2. Kapag siya ay nagtatanong tungkol sa iyong buhay pag-ibig sayo man o sa mga kaibigan mo dahil gusto nyang makipagbalikan pa din sayo.

3. Kapag gumagawa pa din sya ng paraan makipag-usap o magkaroon ng oras sayo lalo na kapag kailangang kailangan mo sya sa tabi mo. 


Kapag napapansin mo din na sa lahat ng puntahan mo ay nandoon sya ibig sabihin nito ay gumagawa sya ng paraan para makipagbalikan ulit sayo.

4. Kapag siya ay nagkwekwento pa din sayo ng mga bagay bagay tulad ng kapag sya ay malungkot o masaya ikaw agad ang una nyang kinakausap. 

Marahil dahil ito sa inyong pinagsamahan at isa din itong sinyales na palagay pa din ang loob nya sayo at makikipagbalikan sya sayo.

5. Kapag pinag-uusapan nyong dalawa ang mga bagay bagay bago kayo naghiwalay at kapag pinag-uusapan nyo ang mga pagkakamali nyo bago kayo maghiwalay. 

Ito ay isang paraan nya para isalba ang pagsasama nyong dalawa.

6. Kapag lagi nyang nababangit sayo o sa mga kaibigan mo na wala pa syang ibang kasintahan o wala pa syang ibang minamahal at handa syang makipagrelasyon ulit. 


Ito ay isang sinyales na gusto nyang makipagbalikan ulit sayo ngunit huwag ka muna magsaya antayin mo munang hanap hanapin nya ang inyong matamis na pagsasama.

7. Kapag sya ay nagpapakita ng mga sinyales na sya ay nagseselos sa mga nakakasama mong ibang lalaki o kapag may nakikita syang lalaki na posibleng manligaw sayo. 

Tandaan! Hindi sya magseselos kung hindi ka na nya mahal ngunit huwag abusuhin ang kanyang pagseselos baka tuluyan ka na niyang iwan.

8. Kapag nababangit nya pa din ang mga masasayang araw nyong dalawa noong kayo pa. 

Ito ay isa sa paraan nya para ipaalam sa iyo na namimiss nya ang mga oras na kayong dalawa ay magkasama at masaya.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments