Narito ang Walong Sinyales na Kinaiinggitan, Naiinsecure at Nagseselos sayo ang isang tao. Basahin dito.

SPONSORED LINKS
May mga hindi maiwasang pagkakataon na tayo ay nagseselos. Halimbawa na lamang nito ay kung napansin mo na ang iyong ka-relasyon ay nakikipagkaibigan pa din sa ex nito o di kaya naman ay mas pinaprayoridad niya ang iba kaysa sa iyo. 



Hindi naman sa nagiging makasarili ka, ito ay marahil mayroon kang takot na mawala ang pinakamahalagang tao sa buhay mo. Normal lamang ito, at karamihan sa atin ay nakakaranas nito. Ngunit paano kung tayo ang pinagseselosan? 

Narito ang mga senyales na maaring makatulong upang malaman natin kung pinagseselosan tayo ng ibang tao:

1. Kung sila ay galit sa iyo.

Minsan nagugulat na lamang tayo na may mga tao na biglaang masama ang trato sa atin. Kahit na alam mo sa sarili mon a wala ka naman ginawang masama sa kanya, mas mainam na iwasan mo na lamang ang taong iyon dahil sila ay nagseselos sayo. Hindi naman kayo gaanong magkakilala, kaya mas mainam na iwasan na lamang ang ganitong mga tao dahil wala din naman patutunguhan kung papatulan mo ito.


2. Ginagaya ka nila.

Isipin mo na lamang na isa itong magandang senyales ng paghanga sa iyo. May mga taong gagayahin ka dahil nagseselos sila sa iyo. Ito ay marahil nakukuha mo ang atensyon ng mga tao, at dahil dito, gagayahin ka nila. Maaring gayahin nila ang iyong pananamit, paglalakad, mga kinakain o kaya naman ay ang iyong pagsasalita. Minsan ay nakakairita, ngunit kailangan mo na lamang masanay dahil maaring hinahangaan ka din naman niya.

3. Chinichismis ka nila.

Ang mga taong naiinggit sayo ay madalas kang ichichismis sa iba at sasabihan nila ang kung sino man na gustong making. Hindi sila magdadalawang isip na ipagkwento sa iba ang mga kahiya-hiyang karanasan mo, o pagkakamali mo. Kahit na wala man ito katotohanan ay ipakakalat pa rin nila ito.


4. Pekeng pakikitungo.

Hindi sila magaatubili na bigyan ka ng papuri ngunit sa pag alis mo, ay sisiraan ka na nila sa mga kaibigan nila. Maging maingat sa mga ganitong klaseng tao dahil hindi sila magdadalawang isip na magkunwaring kaibigan mo pero may masamang hangarin pala.

5. Sila ay mahilig makipagkumpitensya.

Madalas ay kakalabanin ka nila ng hindi mo alam, at nang wala kang panlaban. Hindi sila patas kung makipagkumpitensya at dahil dito, nagiging delikado sila.

6. Ipagyayabang ang kanilang naabot sa buhay.

Gamit man o kalagayan sa buhay, hindi sila magaatubili ipagyabang sa iyo ang naabot nila. Kadalasan ay sasabayan pa nila ang pagkakataon nang nagdidiwang ka ng iyong tagumpay. Ito ay marahil gusto nila patunayan na mas magaling sila.


7. Idodown ka tuwing may natatanggap kang tagumpay.

Ang isang taong nagseselos sayo ay kadalasan iniimpluwensyahan ang ibang tao na hindi naman isang malaking tagumpay ang naabot mo. Ipagpipilitan nila sa iba na hindi naman gaano ka importante ang natamo mo.

8. Masaya sila pag pumapalpak ka.

Dahil nya hindi nila matanggap na nagtatagumpay ka, mas ikinatutuwa nila na pumapalpak ka. Hindi man nila ito sabihin diretso sa iyo ngunit sinisigurado naman nila na wala ka nang matatanggap na tagumpay.



SPONSORED LINKS

0 comments