Mga Dahilan Kung bakit Naghihiwalay ang Mag- Asawa. Lalong lalo na ang Rason sa no. 4.

SPONSORED LINKS
May mga dahilan ang mga mag-asawa kung bakit ang kanilang pagsasama ay humahantong sa paghihiwalay o pagtatapos ng kanilang relasyon. Ang unang iniisip ng mga tao kung bakit naghihiwalay ang mag-asawa ay dahil sa may iba ng mahal ang isa sa kanila o may nagtaksil sa kanilang dalawa ngunit ang hindi nila alam ay mag-iba pa pala itong dahilan.




Narito ang mga madalas pinagmumulan ng paghihiwalay ng magasawa:

1. Ang pag-aasawa ng maaga ay isa sa madalas dahilan o pinagmumulan ng paghihiwalay ng magasawa. 

Madalas nagkakaroon ng problema ang dalawang taong nagsama ng maaga dahil sa hindi pa nila lubos na nakikilala ang isat isa bago sila nagsama. Minsan ang hindi pagkakapareha ng gusto at ng pag-uugali ng isat isa ay nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan na pwedeng humantong sa hiwalayan.

2. Ang pera.

Ito ay isa din sa pinaka kilalang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa. Ang hindi maayos na pag-uusap tungkol sa paggastos o paggamit ng pera ay nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa na humahantong sa paghihiwalayan.


3. Ang pagtataksil o pagkakaroon ng ibang minamahal bukod sa iyong asawa.

Ito ay isa sa pinaka kilala at madalas na dahilan ng paghihiwalay ng nyong dalawa.

4. Ang pagkawala ng gana ng babae o lalaki sa pakikipagtalik sa kanilang asawa.

Ito ay isang dahilan ng pagtataksil nila sa kanilang mga asawa na humahantong sa paghihiwalay nilang dalawa. Kapag ang babae o lalaki ay nawalan ng gana sa pakikipagtalik, ang kanilang asawa ay matutuksong magtaksil at maghanap ng iba na kaya silang paligayahin ulit sa kama.

5. Ang unti-unting pagkawala ng komunikasyon nyong mag-asawa.

Ito ay isa sa nagiging dahilan ng inyong pag-aaway o paghihiwalay. Ang komunikasyon ang isa sa nagpapatibay sa relasyon nyong mag-asawa dahil sa paraang ito nababahagi nyo sa isat isa ang mga nangyayaring masaya o malungkot sa inyong buhay, kaya kapag ito ay unti unting nawalala, unti unti naring nawawalang saysay ang pagsasama nyong dalawa dahilan para kayo ay humantong na sa hiwalayan.


6. Ang alak at ang droga.

Ito ay isa din sa dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa. Gusto nyo ba na ang iyong asawa ay lasengero o laging umiinom at nagdrodroga pa? Diba hindi?. Isa din sa dahilan kung bakit ito nagiging sanhi ng paghihiwalay ng mag-asawa ay dahil ang ibang tao kapag nalasing o nagdrodroga, nasasaktan nila ang kanilang asawa kaya nagdedesisyon ang iba na iwan nalang sila ng tuluyan lalo na kung alam nilang hindi na ito magbabago pa.

7. Ang pagkawala ng ganang paligayahin sa kama ang iyong asawa.

Ang kakulangan sa pagroromansa sa kanya ay isang dahilan kung bakit sila ay nakikipaghiwalay sayo. Madalas gusto ng babae na maramdaman ang pagaalaga at pagiintindi o paglalambing sa kanila ng kanilang mga asawa habang ang lalaki naman ay gusto nilang laging naririnig ang pagpupuri sa kanila ng kanilang mga asawa. 

Ang hindi paglambing sa inyong mga asawa ay pwede magdulot ng pagkasawa ng inyong asawa na pwedeng maging dahilan ng pakikipaghiwalay nila sa inyo.


SPONSORED LINKS

0 comments