Masasabing mong Naka Move on ka na sakanya at sa Relasyon nyo Kung Nagagawa mo ang Sampung Nakalista dito.

SPONSORED LINKS
Ang pakikipaghiwalay sa iyong minamahal ay sadyang masakit lalo na kung minahal mo sya ng sobra ngunit wala ng pag-asa pang kayo ay magkabalikan pa. Ang kailangan mo nalang gawin ay tanggapin na wala na talaga kayong dalawa at kailangan mo na talaga syang kalimutan pa. Narito ang mga sinyales na nakamove on ka na sa kanya.



 1. Kapag sumuko ka ng hanapin ang tamang lalaki/babae para sa iyo dahil alam mong dadating at dadating din ang tamang tao sa buhay mo sa tamang oras, lugar, panahon at pagkakataon. 

2. Kapag ayaw mo ng hanapin ang pagmamahal dahil alam mong madami pang ibang taong nagmamahal sayo at hindi naman talaga ito nawawala sa buhay mo. 

3. Kapag natutunan mo ng maging masaya kung anung mayroon ka at hindi kana umaasa sa mga bagay na alam mong hindi na mangyayari pa. Kapag ipinaubaya mo nalang sa tadhana ang lahat dahil alam mong lahat ng bagay ay kinakailangan bigyan ng oras. 

4. Kapag napagtanto mo na hindi naman talaga nawala ang taong nagmamahal sayo hindi mo lang talaga sila nakikita at napapansin na nandyan lang pala sila sa tabi mo palagi dahil ikaw ay abala sa paghahanap ng taong magmamahal sayo. 


5. Kapag madali mo ng bitawan ang mga taong hindi naman nagpapahalaga sayo at sa mga nararamdaman mo at mas binibigyan mo ng lugar o atensyon ang mga taong handing magsakripisyo para sayo dahil napakahalaga mo para sa kanila.

6. Kapag natutunan mo ng mahalin ang sarili mo at tanggapin kung anung ibinigay sayo ng Panginoon dahil walang ibang magmamahal sa sarili mo kundi ikaw lang. Oo hindi ka perpekto at may mga taong mas maganda o mas magaling sayo pero lahat ng tao ay may kanya kanyang lakas at kahinaan ang kailangan mo lang gawin ay hanapin ito at mahalin. 

7. Kapag naisip mo na ang buhay ng tao ay maiksi lang kaya dapat hindi ito sinasayang sa mga bagay na hindi naman mahalaga o sa paghahanap ng pagmamahal na ayaw naman magpakita sayo. Mas mabuting sayangin ang oras at panahon sa mga taong mahal ka at gustong gumawa ng masasayang alala kasama ka. 


8. Kapag handa ka na ulit magmahal ng iba at kapag tanggap mo ng pareho lang kayong may pagkakamali ng dati mong minahal at hanggang doon nalang talaga ang inyong pagmamahalan. 

9. Kapag handa ka ng ibigay ang pagmamahal sa isang tao na matagal na itong hinihinge sayo. Ang mga sakit na ating naranasan dahil sa pagmamahal natin ang sya ring nagpapatibay sa pagkatao natin at sya ring humuhubog o nagbabalik sa dating sarili natin ngunit ito ay mas matibay at mas matapang kaysa sa dati. 

10. Kapag ikaw ay handa ng magpatawad sa mga taong nanakit sayo at binigyan sila muli ng pangalawang pagkakataon dahil hindi lahat ng tao ay pare-pareho at hindi lahat ay sasaktan kang muli.


SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments