5 sinyales na Nagpaparamdam at Gusto Kumonekta sayo ng Kaluluwa ng Yumao niyong Minamahal o Kapamilya. Basahin dito.

SPONSORED LINKS
Tunay na napakasakit kapag ang mahal mo sa buhay ay nawalay sa inyo o pumanaw na. Minsan kahit mga kagamitan nila ay hindi natin mataimtim na ipamigay o ibenta dahil ito ay nagbibigay pa rin ng alaala nila. Ngunit may mga pagkakataon na bumabalik sila dito sa lupa. Mapapansin mo lamang ito kung mas pagtutuunan mo ng pansin ang iyong paligid, o minsan ay sa panaginip. 


Gumagawa sila ng paraan upang mapansin natin na minsan ay nagbibigay lamang sila ng mensahe. Kakilakilabot man, ay kailangan natin malaman kung sila ay nagbalik sa lupa upang magiwan ng mensahe. Heto ang limang senyales na ang  patay na minamahal ay sinusubukan kumonekta sa inyo.
1.) Mapapansin mo ang kanilang presensya.

Ito ay madalas na nangyayari kung kakamatay lang ng tao. Mapapansin mo ito kung bigla mong nararamdaman na parang may yumayakap sayo o may humahawak ng kamay mo. Ito ay mga koneksyon na nagbibigay suporta o nagpapahiwatig na ayos lang ang lahat.

2.) Mga nawawala at lumalabas na gamit.

Hindi ito magic trick ngunit kung bigla mong napapansin na nawawala ang isang gamit ngunit maya't maya ay lumalabas din ito, ito ay senyales na may gustong makakuha ng atensyon mo.


3.) Paglabas sa iyong panaginip

Kung napapaginipan mo ang isang taong yumao na at may maliwanag na ilaw na nakapalibot dito, ito ay senyales na gusto kang makausap nito. Kadalasan, ito ay nagpapahayag lamang na okay lang sila ngunit may mga pagkakataon na gusto nilang magiwan sa iyo ng mensahe.

4.) Pag pantay sindi ng ilaw.

Totoong nakakakilabot ang ganyang pakiramdam ngunit ito ay senyales na may importanteng kailangan sabihin sayo ang taong namatay. Mapapansin mo na biglang namamatay at sinsi ang ilaw.

5.) Pag-amoy sa kanilang pabango.

Minsan ang mga pabango ang natitirang memorya ng ating mga minamahal. Kapag bigla nyong naamoy ang pabango nila na nasa isang lugar ka ay nagpapahiwatig ito na nagpaparamdam sya sa iyo.


SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments