Narito ang Walong Gawain na Nakakasira sa inyong Kidney na Dapat ng Iwasan upang Maisalba pa ito at Hindi Tubuan ng Kidney Stones o Cancer sa Kidney.

SPONSORED LINKS
Alam nyo ba na ang ating Kidney o Bato ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating katawan?. Ito kasi ang nagsisilbing tagasala ng lahat ng pagkain at inumin na pumapasok sa ating katawan. Marahil ang iba sa atin ay binabalewala at pinapabayaan ang kanilang bato kaya hindi nakakapagtaka kung magkaroon man sila ng problema o sakit sa kanilang bato.



Narito ang mga dahilan kung bakit nasisira o nagkakaproblema tayo sa ating Kidney o Bato.

1. Hindi madalas na paginom ng tubig o hindi sapat ang tubig na iniinom sa loob ng isang araw. 

Ang hindi madalas na paginom ng tubig ay pwede magdulot ng problema sa ating bato dahil ito ang nagbabalanse sa mga pula nating dugo at nagsasala ng mga dumi. Kapag kaunti ang ating iniinom na tubig araw araw ang pagikot ng renal na dugo natin at humihina na dahilan para ang mga toxins o lason sa ating katawan ay dumami.

2. Sobrang pagkain o paginom ng mga pagkain na may caffeine. 

Ang ating bato ay naapektuhan ng sobrang pagkunsumo ng caffeine na pwedeng sanhi ng mga inumin na may soda, at ang sobrang caffeine sa ating katawan ay nagdudulot ng pagtaas ng presyon ng ating dugo.

3. Pagpipigil ng ihi.

Ang pagpigil ng ihi ay nagdudulot ng pagpwersa sa likod na bahagi ng ating bato na pwedeng magdulot ng pagkasira ng ating renal.


4. Sobrang pagkunsumo ng protina. 

Ang protina ay mahalaga sa ating kalusugan ngunit ang sobrang protina sa ating katawan ay masama din dahil pwede ito magdulot ng pagkasira ng ating bato.

5. Sobrang pagkunsumo ng sodium. 

Ang ating bato ay nahihirapang iproseso ang sodium sa ating katawan dahil ito sa sobrang pagkain ng mga maaalat na pagkain.

6. Sobrang paginom ng mga inumin na may alkohol o mga alak. 

Ang sobrang paginom ng alak ay may masamang epekto sa ating bato dahil ito ay nagtataglay ng mga toxin o lason na sumisira sa atin bato.


7. Pagkakaroon ng lagnat. 

Hindi natin dapat isawalang bahala ang pagkakaroon ng lagnat dahil pwede ito makaapekto sa ating bato. Ang mga taong may sakit sa bato ay nahihirapan makatulog pag sila ay may sakit lalo na kapag may lagnat.

8. Sobrang paggamit ng gamot na pangpatanggal ng sakit o painkillers. 

Ang paggamit ng mga painkillers ay masama sa ating kalusugan dahil ito ay madaming dalang masamang epekto. Ang matagal na paggamit nito ay pwede magdulot ng pagbaba ng dugo ng madalas na pwedeng magsanhi ng problema sa ating bato.

SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments