Ito pala ang Sampung Benepisyo ng Foot Massage at ang mga Napapagaling nito. Basahin dito.

SPONSORED LINKS
Ang foot massage o pagmasahe sa paa ay isa sa gawain na may magandang naidudulot sa ating kalusugan. Ang ating binti ay nagtataglay ng mga nerve point o ugat na konektado sa ibat ibang organs sa loob ng ating katawan. Ang nasabing ugat o nerve point ay pinipisil o pwede pisilin kapag tayo ay may nararamdamang pananakit sa loob ng ating katawan.



Narito ang mga benepisyo ng foot massage pressure point sa ating katawan at kalusugan:

1. Ito ay nakakatulong sa pagpaparelax ng katawan dahil nahihilot at naiaalis nito ang tensyon sa ating muscles.

2. Nakakatulong sa pagpapaganda at pagpapasarap ng tulog. Ang pagmasahe ng paa bago matulog ay nakakatulong sa maayos na pagdaloy ng dugo sa ating katawan at pati narin sa ating mga muscles o kalamnan na dahilan para sumarap ang ating tulog.

3. Nakakatulong sa kalusugan ng ating paa. Para mapanatili ang kalusugan ng paa, hilutin lang ang binti ng 5 minuto araw araw, nakakatulong ito sa pagpapatibay at pagpapalambot ng bukong-bukong at para maiwasan ang pagkakaroon ng bali sa binti.

4. Nakakatulong maiwasan ang depresyon. Imasahe lang ang gitna ng hinlalaki mo sa paa ng dalawa o tatlong beses araw araw.

5. Gamot para sa pananakit ng leeg. Para gamutin ang pananakit ng leeg, hilutin lang ang mga daliri ng paa at ang mga joints ng 5 minuto o di kaya hilutin ang buong bukong-bukong.


6. Nakakapaganda ng daloy ng dugo sa ating katawan. Ang pagmasahe ng mga pressure point sa ating paa ng sampung minuto araw araw ay nakakatulong na matanggal ang mga hangin sa ating cells ng ating katawan.

7. Gamot para sa pananakit ng likod kapag natutulog sa sahig. Hilutin ang bahagi ng hinlalaking daliri hanggang bukong-bukong at pati ang talampakan ng paa.

8. Nakakatulong din ito na maiwasan ang pagkakaroon ng varicose veins at para magamot ang nararamdamang sakit dulot ng varicose veins.

9. Nagagamot nito ang ibat ibang klase ng sakit tulad ng sakit sa ulo, sa leeg, sa likod at migraine.

10. Gamot para sa pananakit ng hita. Para gamutin ang pananakit ng hita, hilutin lang ang pagitan ng litid ng bukong-bukong at sakong ng mga mga ilang minuto.

Babala: Ang sobrang pagpisil ng mga nerve points ay delikado dahil pwede ito magdulot ng pagkakasira ng ugat.


SPONSORED LINKS

0 comments