Ito pala ang mga Magandang Benepisyo ng Dahon ng Saging sa Ating Kalusugan. Nakalista din dito ang mga Sakit at Kundisyon na Nagagamot nito. Basahin dito.

SPONSORED LINKS
Ang saging ay isang uri ng prutas na matatagpuan sa isang tropikal na bansa tulad ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia. Ito ay nagtataglay ng maraming sustansya. Lingid naman sa kaalaman ng iba ang dahon ng saging ay mayroong benepisyo na nakakatulong sa katawan . Pweding gamitin ang tuyo at buhay na dahon ng saging bilang herbal. Maraming pweding gawin sa dahon ng saging, para magkaroon ng magandang kutis at magamot ang sore throat, ubo at sipon kabilang na ang lagnat.



Sa ibang karatig bansa naman sa Asya, ang dahon ng saging ay ginagamit naman bilang palamuti upang maging mganda ang mukha ng pagkain, puwedi din itong gamitin bilang pambalot sa pagkain at materyales upang makagawa ng handicrafts.

Ang tuyong dahon ng saging ay may mga importanting sangkap para sa kalusugan tulad ng polyphenols (isang antioxidants), lignin, hemicellulose, protein, at allantoin. Kaya may kakayahan itong magpagalaing ng isang sakit. Para makuha ang buong benepisyo ng dahon ng saging bilang isang herbal na gamot puwedi itong pakuluan at inumin bilang isang tsa-a.

Narito ang sangkap ng saging para sa kalusugan:

1. Mataas sa Antioxidants.

Ang dahon ng saging ay mayroong polyphenols, isang uri ng antioxidant. Ang antioxidant na ito ay kailangan para puksain ang mga free radicals sa katawan na nagdudulot ng sakit. Pinipigilan ang pagdevelop ng micro-inflammations na nag dudulot ng Alzheimers, cancer at atherosclerosis na karaniwang sakit ng dahil sa pagtanda. Ang antioxidant din ay makakatulong upang mapabagal ang pagtanda ng tao. Pinipigilan nito ang pagkakaroon ng kulubot at pagtuyo ng balat. Puweding inumin ang dahon ng saging bilang isang tsa-a 1-3 times a day.


2. Gamot sa sore throat.

Ang pagkakaroon ng sore throat ay kadalasang dahilan ng virus. Ito din ay sintomas ng dahil sa sakit sa respiratory. Madalas na ang sore throat ay nakakadisturbo sa ating pang araw-araw na gawain. Katulad ng masakit na paglunok ng pagkain. Puweding uminon ng pinaglagaang dahon ng saging upang mabawasan ang pananakit ng lalamunan ng dahil sa sore throat. Sa gawaing ito mababawasan ang sore throat.

3. Nakakabawas ng Lagnat.

Ang dahon ng saging ay may astringent at antioxidant na nagpapabawas ng pamamaga at nakaka kuha ng lagnat. Samantala, ang astringent content naman ng saging ay nakakakuha ng pananamlay ng dahil sa lagnat. Para makuha ng besa nito inumin ang tubig na pinaglagaan ng dahon ng saging.

4. Nagpapalakas ng resistensya ng katawan.

Ang tuyong dahon ng saging ay mayroong allantoin. Isang uri ng sangkap na nagpapalakas ng resistensya ng katawan at kayang mag pagaling ng sugat ng mabilis. Kahit ang isang taong walang sakit ay maari ring uminom ng pinaglagaang dahon ng saging upang maiwasan ang mga sakit at tumibay ang resistensya ng katawan.

5. Nagpapagaling ng sugat at pangangati ng balat.

Sa pamamagitang ng dahon ng saging ay maari ng gumaling ang sugat at ang mga pangangati nito. Ipahid lamang ang katas ng saging sa mismong balat ng pangangati at sa sugat. Puweding gamiting pantakip ang mismong malapad na dahon ng saging at talian ng bandage para hindi matangal. Palitan ang dahon ng saging 2-3 times a day.


6. Gamit para gumanda ang buhok.

Sa pamamgitan ng pag pahid ng katas ng saging sa buhok at sa anit ng ulo 
ay maiiwasan at mapapagaling na ang dandruffs, at ma-maintain ang natural na kulay ng buhok. Dahil ito sa aalatoin na may astringent effect kapag ipinahid sa ulo.

7. Para gumanda ang kutis ng balat.

Ang dahon ng saging ay kadalasang ginagamit sa mga tradisyonal na spa upang kumitis at gumanda ang ito. Puweding e blender ang dahon ng saging at e-apply ang katas nito sa sa mukha at buong katawan. Dahil sa taglay na antioxidant tulad ng allantoin ay kayang pabagalin ang pagtandan ng balat. Miiwasan at mababawasan ang pagkakaroon ng kulubot at pangingitim ng balat. Puwedi ing gamutin ang mga pimples at magmukhang malambot at bata ang mukha kapag ipinahid ang katas nito sa balat.

8. Nakakabawas ng timbang.

Ang saging ay sikat sa mga traditional spa upang mabwasan ang timbang at cellulitis o bilbil sa katawan. Sa pamamagitan ng pag wrap o paglagay ng steamed na dahon ng saging sa tiyan, benti at braso ng 1 hanggang 2 oras ay mainam para mabawasan ang cellulitis o bilbil. Puwedi ding e-apply ang katas nito sa mga area ng bilbil. Pagkatapos gawin ito mainam na uminon ng tsa-a gawa sa pinakuluang dahon ng saging at luya. Ang traditional na treatment na ito ay makakapag papa relax din sa katawan.


Narito ang iba pang pwedeng gamit ng dahon ng saging:

1. Pambalot sa pagkain.

Nakasanayan na ng ibang nasyon sa Asya tulad ng Pilipinas ang pagbalot ng pagkain gamit ang dahon ng saging. Sa bansang Vietnam, Thailand at Indonesia naman ginagamit ang dahon ng sagig upang pambalot ng cakes, isda at manok. Sa pamamagitan ng dahon ng saging ay nagiging kaaya-aya at kagana-gana ang pagkain ng isang tao. Sa taglay din ng aroma nito ay sadyang nagpapasarap ng amoy ng pagkain.

2. Pagkain para sa alagang hayop.

Tiyak na makakatulong ang dahon ng saging para sa mga taong nag-aalaga ng hayop. Ang kambing, baka at rabbit ay tiyak na magugustuhan ang berding kulay nito upang kainin. Kadalasang kinakain din ng mga hayop ang dahon ng saging upang magsilbing natural na gamot nila.

3. Handicrafts.

Madalas ginagamit ang dahon ng saging upang magsilbing materyales para sa mga handicrafts. Ginagamit ito upang makalikha ng bags, senturon at ponseras.


SPONSORED LINKS

0 comments