Ano nga ba ang Mabuti at ang Masamang Epekto na Pag- Inom ng Lemon namay Tubig. Alamin Dito.

SPONSORED LINKS
Sa panahon ngayon, madami ng lumalabas na mga halamang gamot na pwede nating gamitin para makaiwas o makatulong gamutin ang ano mang sakit na pwedeng dumapo sa atin. Isa sa mga halamang gamot na ito ay ang lemon. Marahil narinig o nakita nyo na ang tubig na may lemon ay mainam sa ating katawan at madami dami narin sa atin ang gumagawa nito. 



Narito ang mga benepisyo at mga kayang gawin ng Tubig na may lemon sa ating mga katawan:

1. Nakakatulong maiwasan ang impeksyon sa bato dahil ito ay nakakadagdag ng tubig sa ating katawan.

2. Nakakatulong maiwasan ang sakit na kanser at sakit sa puso.

3. Nakakatulong mapababa ang timbang, makaiwas sa sobrang pagkain at sa paginum at pagkain ng matatamis na pagkain at inumin.

4. Nakakapadagdag ng bilang ng potasyum sa ating katawan na maganda sa ating mga puso at nakakaiwas sa anumang sakit na pwedeng kumapit dito.


5. Nagtataglay ito ng bitamina C na nagpapatibay sa ating immune system o ang sundalo o taga-depensa ng katawan natin sa lahat ng uri ng sakit.

6. Ang mabango nitong amoy ay nakakatulong na mapaganda an gating pakiramdam.

7. Anc bitamina C na taglay nito ay nakakatulong maiwasan ang panlalabo ng mata at mapanatiling malusong ang atay.

8. Nakakapaganda ng kutis at napapanatili nya ang ganda ng balat.

Mga panganib sa pag-inom o sobrang pag-inom ng tubig na may lemon:

Sa kabila ng mga magagandang benepisyo ng tubig na may lemon sa ating katawan ay mayroong din itong masamang pwedeng maidudulot. Ngunit maiiwasan ito kung hindi masyadong marami ang ating iinumin. Narito ang mga pwedeng masamang mangyari sa ating kapag nasobrahan ang pag-inom ng tubig na may lemon.

1. Pagsusuka dulot ng sobrang bitamina C sa ating katawan ito ay nangyayari kapag nakainum tayo ng dalawa o tatlong baso ng tubig na may lemon.


2. Ang sobrang paginum ng tubig na may lemon ay pwedeng magdulot ng pagiging acidic ng isang tao at pwede din itong magdulot ng ibat ibang sakit tulad ng pananakit ng dibdib, ulcers, gastroesophageal reflux at sakit sa lalamunan.

3. Pagkasira ng ngipin dahil sa mababang ph. Ang ngipin ay mayroong ph 5.5, ang tubig na may lemon ay pwedeng magdulot ng pagbaba ng ph na syang magiging dahilan ng pagkasira ng ngipin.

4. Ang lemon ay nagtataglay ng sugar na pwedeng maging dahilan ng cavities sa ating mga ngipin.

5. Ang bitamina C na taglay ng lemon ay nagsisipsip ng iron na kapag nasobrahan ay pwede magdulot ng pagkasira ng ibang parte o ng mga lamang loob sa ating katawan.

Lahat ito ay pwedeng mangyari sa inyo kung masosobrahan ang paginum ng tubig na may lemon ngunit my paraan din para ito ay inyong makontrol. Pwedeng gumamit ng straw sa pagsipsip ng tubig ng may lemon at hugasan ito pagkatapos.


SPONSORED LINKS

0 comments