Narito ang mga Paraan at Dapat Sundin Upang Hindi Mangbabae si Mister at Upang Mas Lalo ka niyang Mahalin. Basahin Dito.

SPONSORED LINKS
Upang matulungan at makagawa ng mas matibay na relasyon sa iyong mister, pwede mong subukan ang mga sumusunod upang maging isang mabuting misis.



1. Maging masayahin 

Tunay ngang iba sa pakiramdam ang uuwi sa matamis na ngiti, lalo na kung ito ay manggagaling sa iyong misis. Alalahanin, happy wife-happy life.

2. Ipagdasal siya 

Ipagdasal sya tuwing magisa, o tuwing kasama sya. Ang pagkakaroon ng spiritual resonance ay mas magpapalapit sayo at ng iyong asawa.

3. Magsuot ng maganda para sa kanya 

Hindi naman ibig sabihin nito ay kailangang mag ala trophy wife ka. Magsuot ng simple ngunit kapitagpitagan para sa kanya, dagdagan pa ng kaunting makeup.


4. Kunwari ay nakikipagdate ka parin 

Maaaring makipaglandian, kindatan, di kaya ay makipaglaro ng habulan sa iyong asawa. Hindi masama ang pang aakit sa iyong asawa. Isipin mo nalang na nakikipagdate ka sa kanya noong mga panahong nanliligaw palang sya.

5. Pagusapan ang mga bagay tungkol sa kanya

Ipakita mo na interesado ka. Magsimula ng isang paguusap na patungkol sa kanyang hobbies, sa kanyang trabaho, at sa kanyang pangarap. Bigyan mo sya ng espasyo upang ipahayag ang mga bagay na kanyang ginagawa at iniisip tuwing wala ka.

6. Sabay na manood ng kanyang paboritong laro.

7. Matutong humingi ng patawad 

Lahat tayo ay nagkakamali. Huwag matakot mag-sorry.

8. Bigyang sya ng oras para sa sarili

Minsan sa sobrang busy sa trabaho, bihira magkaroon ng oras sa sarili ang iyong asawa. Hayaan syang gumala o maglibang magisa. Ito ay makabubuti sa inyong dalawa.

9. Halikan sya sa labi, halikan sya sa pisngi 

Ipakita ang iyong pagmamahal gamit ang halik.

10. Magslow dance ng magkasama 

Maaaring hindi ito madali at magmukhang awkward, ngunit aminin mo na ito ay sweet.


11. Yakapin mo sya 

Yakapin mo ng mahigpit na mahigpit ang iyong partner.

12. Ipagyabang ang kanyang mga accomplishments 

Minsan, ang kaunting recognition ay malayo ang mararating. Ang pagpapakita na nagbibigay pugay ka sa kanyang mga narrating ay magbibigay patunay na pinahahalagahan moa ng iyong partner.

13. Ipaghanda sya ng babaunin sa trabaho 

Simple ngunit sweet. Pwede ka ring maglagay ng maiksing love note sa baunan.

14. Magpasalamat 

Ang simpleng pagpapasalamat sa iyong partner ay malayo ang mararating. Mararamdaman nya na natutuwa ka sa mga ginagawa nya, maliit man o malaki. Kapalit nito, paniguradong magpapasalamat rin sya sayo.

15. Matutong magtiwala 

Palaging bigyan ng benefit of the doubt ang iyong asawa.


16. Magluto ng paborito nyang pagkain 

Sino bang hindi matutuwa kung paguwi mo eh nakahain ang paborito mong ulam. Paniguradong nakakatanggal ng pagod.

17. Respetuhin ang kanyang mga opinion 

Hindi mo kailangang palagiang sumangayon sa iyong asawa. Ngunit, huwag kalimutan na repetuhin ang kanyang saloobin.

18. Huwag isumbat ang mga nakaraang pagaaway 

Ang paguungkat ng mga lumang pagaaway ay di makabubuti. Patunay lang ito na dinaramdam mo pa ang nakaraan at di mareresolba ang problema ngayon.

19. Hayaan mo syang kumain ng gusto nyang pagkain

 Kung nagrerequest si mister ng pizza, pagbigyan mo ito. 

20. Pagusapan ang hinaharap 

Gusto mo ba ng bakasyon kasama sya? Pagusapan nyo ito. Pagusapan ang mga bagay na magpapaexcite sa inyong dalawa.

SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments