Narito ang Apat na Ehersisyo na Pampataas ng Libido at Pampagana sa Pakikipagtalik. Basahin dito.

SPONSORED LINKS
Narito ang Iba't Ibang uri ng ehersisyo bago makipagtalik sa inyong Asawa:



1. Magpalakas para sa Kama 

May dalawang sekreto ang pakikipagtalik na hindi madalas pagusapan, ito ay ang lakas at flexibility. Ang pagpapalakas at stretching ng mga kalamnan ay maaaring mangahulugan ng isang pasabog na pagtatapos o di kaya’y mapagod sa kalagitnaan. Isama ang mga workout na ito sa iyong pang araw-araw na ehersisyo upang mas maligaya ang inyong gabi.

2. Para sa flexibility, subukan ang Frog Stretch 

Kahit ikaw ay nagiisip na subukan ang ibang posisyon, o di kaya’y gusto lamang ibalot ang buong hita sa kanya, ang stretching na ito ay makakatulong. Binubuksan nito ang singit at ang pelvic floor upang hand aka sa ano mang posisyon.

Dumapa sa sahig, siguraduhing may dalawang nakarolyong tuwalya na sumusuporta sa iyong pelvis at hita; ang mga kamay naman ay tila may inaabot sa iyong harapan. I-bend ang braso at legs sa 90-degree angle, tila ba isang palaka. Maghintay ng 3 minuto bago irelease.


3. Upang malakas ang ibabang bahagi ng katawan, subukan ang Ball-wall Sits 

May ilang mga posisyon, katulad na lamang kung ikaw ang nagtatrabaho sa ibabaw, ang nakakapagod para sa ibabang parte ng ating katawan. Upang mas maligaya ang pagbayo, subukan ang “wall sits.”

Ilagay ang stability ball sa dingding at iliyad ang likod upang ang ibabaw ng bola ay sakto sa iyong ibabaw ng likod at nakadikit parin sa lower back at sa gulugod.

Ilagay ang mga kamay sa tuhod, ilipat ang bigat sa sakong, ang likod naman ay nakadikit parin sa bola. Simulang magsquat hanggang nakahanay ang hita sa sahig. Siguraduhing ang tuhod ay nasa likod ng mga daliri ng paa. Maghintay ng 15 sigundo bago tumayo. Magpahinga ng 30 segundo at gawin muli. Ulitin ito nang 5 beses.

4. Para sa lakas na ikaw ang palaging nasa ibabaw, subukan ang “Spiderman Push-ups” 

Ang ehersisyong ito ay mas nagbibigay ng pwersa sa iyong mga braso kumpara sa pangkaraniwang push-ups. Sa paggawa nito, mas kaya mong panatilihin ang sarili sa iba’t-ibang posisyong nais.


Pumosisyong tila ba magpupush-up, ipantay ang braso, ibaba ang tuhod kung lubos na nahihirapan. Habang ibenebend ang mga braso upang bumaba ang katawan, ibend rin ang kaliwang tuhod at ipalapit ito sa iyong kaliwang tricep.

Ibalik ang kaliwang binti sa umpisang posisyon habang nagpupushup, ulitin rin ito sa kanang bahagi. Gumawa ng 2 sets ng 10-15

5. Upang walang sakit at puro sarap, subukan ang “Airplane Leg Lifts”

Sumasakit baa ng ihong bewang at binti sa umaga? Ang pamamaga at muscle strains ay mababawasan kung iwowork out ang abductor muscles sa may upper glutes at outer hips.

Magsimula sa kamay at tuhod, sa tabletop position. Iextend ang iyong left leg diretso patalikod, siguraduhing relax ang paa. Siguraduhing pantay ang binti sa sahig bago dahan-dahang iswing ito palabas pakaliwa hanggang makabuo ng malapit sa 90-degree angle gamit ang katawan.

Maghintay ng 10 segundo bago irelease, ibend ang tuhod at bumalik sa tabletop position at gawin sa kanang bahagi ng katawan. Gawin ito ng dalawang beses sa magkabilang side.

SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments